MGA PASSPORT DAPAT HAWAK NG EMBASSY
Passport ng mga OFWs, ibigay sa pangangalaga ng PH Emb' Friday 16th February 2018 Iminumungkahi ngayon ng Department of Foreign Affairs (DFA) na hawakan na lamang ng Philippine Embassy ang mga passport ng domestic workers. Ito ay sa gitna ng repatriation ng mga problemadong overseas Filipino workers mula sa mga bansa sa Middle East partikular sa Kuwait. Ayon kay Foreign Secretary Alan Peter Cayetano, ilan sa mga problema ng mga OFWs ay dahil kulang ang kanilang mga sahod, delayed o di kaya naman ay hindi talaga pinapasahod ng kanilang mga amo. Pero hindi umano agad natutulungan ang mga ito dahil hawak ng mga employers ang kanilang passports at ginagawang panakot para hindi magsumbong ang mga OFWs sa embahada ng Pilipinas. Kaya naman, mungkahi ng DFA na ang embahada na lamang ng Pilipinas ang humawak ng mga passport ng Pinoy workers. Isa pa umanong suwestyon ng DFA ay sa ATM na lamang ilagay ang mga sweldo ng OFW para may record sakaling kulang man o wala talagang pinap...